22/09/2026
📢 FREE KAPON‼️🐶🐱
HURRY‼️ LIMITED SLOTS ONLY‼️
𝗣𝗔𝗪𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 – 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗦𝗟𝗢𝗧 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘
Dahil sa hindi pagkumpleto ng kinakailangang laboratory at physical assessment ng ilang pet owners na nag-register sa una at ikalawang registration link, ang mga natitirang kapon slots (𝟯𝟬 𝗦𝗟𝗢𝗧𝗦) ay binubuksan na sa lahat ng interested pet owners.
Ang slots ay magiging 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗘, 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘. Maaaring direktang pumunta sa alinman sa mga veterinary clinic na nakalista sa ibaba at sabihin na ang inyong pet ay para sa “𝗣𝗔𝗪𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 - 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗡.”
Mahalagang maisagawa ang laboratory at physical assessment upang matukoy kung qualified ang inyong pet para sa kapon.
Ang veterinary clinic na inyong pupuntahan ang magsusumite sa amin ng listahan ng mga pet owners na nakumpleto ang assessment at kwalipikado para sa kapon. 𝗠𝗮𝘆 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗱 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗻𝗶 𝗽𝗲𝘁, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿'𝘀 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗲𝗲 𝗮𝘁 𝗽𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗽𝗼 𝗮𝘆 𝘄𝗮𝗹𝗮.
Ang hakbang na ito ay isinagawa upang makatulong na maabot ang target na bilang ng mga pet na kakapunin at matiyak na makumpleto ang kinakailangang proseso bago ang target date ng event.
Maaring pumunta sa alinman sa mga sumusunod na veterinary clinic:
• 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖 𝟭: Besovets Animal Clinic - Unit 114 Reminton Plaza, Governor's drive, Brgy. Poblacion, Carmona - Dr. Mycah Zabrina Soriano - CN: 09352417368
• 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖 𝟮: Carmona Veterinary Clinic - 14120 Governor's drive, Brgy. Bancal, Carmona, Cavite - Dr. Giovanni Verzosa - CN: 09176392236
• 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖 𝟯: Heaven's Grace Veterinary Services - Lot 4, Blk 18 Phase 6, Carmona, Brgy. Lantic - Dr. M.Grace Sandoval - CN: 09682954453
• 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖 𝟰: Little Critters Veterinary Clinic - Unit S 424 JM Loyala St., Poblacion, 4 Carmona, Cavite - Dr. Lea Verzosa - CN: 09915369124
𝗣𝗮𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗮𝘃𝗮𝗶𝗹𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗻𝗴 𝘀𝗹𝗼𝘁𝘀.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, pang-unawa, at patuloy na suporta sa PAWTEKTADO 2026.