04/11/2022
Simple Reminder From IBCπ
Munting paalala lang ulit.
Whelp > Nurse
Girth or Kapal > Genes
Breed ng female > At least 2nd heat or 18 months above
TIPS:
HINDI UPGRADE ng American Bully ang Exotic Bully. Magkaiba yang dalawa na yan. Sooner or later mare-realize niyo rin yan.
Magtaka ka kapag mababa masyado ang presyo ng binibentang tuta. Yung halos pamigay na.
Totoo ang MAGIC PAPERS, kilatisin maigi ang breeder/seller bago magdesisyon. At oo, kung ang papel nadadaya, pati na rin ang mga walang papel maraming umaabuso.
Akala mo nakamura ka na dahil walang papel? Dahil single reg? Kung nandito ka for long term, think twice. Ang isang programa sa pagaa*o ay inaabot nang maraming-maraming taon. Kung una pa lang sasablay ka na, isipin mo dodoble yung panahon na gugugulin para makamit mo yung programa na gusto mo. Kaya ask yourself kapag nilatagan ka ng lowball priced na may papel kuno, non-papered or single reg, worth it ba?
Marami nagsasabi "Kanya-kanyang taste yan sa a*o". Maniwala ka, nasa mga kamay natin yung future ng breed. Maiintindihan mo ito habang tumatagal ka sa eksena.
Magingat sa mga sinusubaybayan o hinahangaan. Hindi lahat ng napapanood o nakikita mo dito sa social media na tips daw or educational daw kuno ay totoo. Bilang lang sa mga daliri ko ang preacher/mentor na maayos at totoo ang hangarin para sa breed. Karamihan mali o saliwa ang mga pangaral. Magugulat ka kapag na-realize mo na may mga sobrang tagal na sa eksena pero kulang pa rin sa kaalaman o mali ang piniling landas/kalakaran.
Aral. Aral. ARAL.
Repeat number 7.
Ang pinakamalakas na sandata ay kaalaman. Pagaralan maigi bago pasukin. Huwag magmadali. Magobserba, magaral, para hindi aksaya sa pera at panahon. Pagisipan maigi, para hindi kawawa ang a*o.
Pic for attention only.