10/08/2026
Fun Fact: Alam mo ba na ang Koi ay walang tunay na stomach?
Unlike humans and other animals, ang koi ay walang stomach kung saan naiipon at natutunaw ang pagkain. Sa halip, dumadaan agad ang pagkain sa kanilang digestive tract kung saan unti-unting ina-absorb ang nutrients.
Dahil dito, mas mabilis ang kanilang digestion kaya mas ideal ang kaunti pero madalas na feeding kaysa biglaang maraming pagkain. Kapag nasobrahan ang pakain, hindi lang digestion ng koi ang maaapektuhan.. maaari rin itong magdulot ng sobrang waste na nagreresulta sa pagbaba ng water quality.
Kaya sa koi keeping, hindi lang dami ng pagkain ang importante, kundi ang tamang timing, quality ng feeds, at kondisyon ng pond.