10/12/2025
Baka po may extra time po kayo this Holiday season.
Sana po mag stay kayo to read, may message po sina Ami.
Hi, it’s the Holidays and we would like to ask a little favor. If you have extra funds, baka po you can grant some of our wishes this Christmas. 🙏🏼
First, we wish you can visit and play with us. We know that maliit ang chance na ma adopt kami but maybe you can play with us here sa San Jose Dog House and sa kabila, sa Cat shelter.
Second, we hope for abundance in food po, dry cat / dog kibbles, cat / dog wet food, rice, pork giniling, and of course some supplies for our caretakers.
Third, if you have extra ₱5.00 for our bills para we can have holidays na may ilaw, tubig, and higit sa lahat tahanan.
Fourth, baka meron po kayong iilan plywood, yero, para po di kami ginawin at maabunan lalo’t sa bagong taon, para safe kami.
Fifth, if may mga layered cages kayo, para sa mga cat friends namin na may edad na, na nabubully na ng mga mas bata sakanila — para relaxing din ang Holidays nila.
Sixth, mga higaan, mga carton, mga newspapers, iba’t ibang cleaning supplies.
Seventh, prayers, pakisama po kami sainyong panalangin na maging healthy and mag thrive pa po kami in the next years.
Salamat po. 🙏🏼
- Ami and Goggles
P.S. wish din namin, may mag bigay samin ng home together. Kahit malayong dream, malay natin, may makapansin sa amin.