18/09/2025
Ang walang habas na "illegal conversion" ang totoong dahilan ng patuloy na kakulangan at mataas na presyo ng bigas. Kung madalas ka bumyahe ng malalayo, makikita mo sa mga tabing daan ang mga dating palayan na hindi na tinataniman o kaya ay naging negosyo na o housing. Labag po yan sa batas base sa section 6, 4th paragraph ng R.A.6657 o CARP. Pero nakakalusot dahil kasabwat ang DAR na syang may authority magbigay ng CLEARANCE para ma- convert ang palayan patungo sa commercial o residential uses.