18/06/2023
TATAY NA SABUNGERO
Isang mapagpalang Araw sa Iyo, tatay!
Oo, ikaw tatay na dakilang tunay.
Nasasalamin sa iyong mukha
Ang pag-asang dala-dala tuwina.
Lagi mong hawak ang mga alagang mandirigma
Haplos sa kanila’y tunay na kakaiba
May mas mahalaga pa ba sa kanila?
Ang sagot ko, sana’y iyong pamilya.
Araw-araw, hinaharap ang iba’t ibang laban
Kaakibat ay Lakas at tibay ng loob, pananampalataya at paninindigan
Na sana ay manalo at maiuwi ang kampeonato
Ngunit sa larangan ng iyong laro
Hindi palaging ikaw ay panalo
Nararapat na tanggapin ang bawat talo
Upang ika’y matuto.
Saksi ako sa sakripisyong kayang ibigay ng isang sabungero, iyan ang totoo.
Puhuna’y dugo’t pawis, puyat at pagod
Tinitiyak na lahat ng pamamaraan ay dapat masunod.
Sa bawat tapak mo sa loob ng ruweda
Dala-dala ang pag-asa na sana
Ipanalo ka ng iyong mga alagang mandirigma
Para may maiuwi para sa iyong pamilya.
Sa bawat paglabas mo ng bahay,
may iniiwan ka na pamilya na sa iyo’y umaasa.
Ipinagdarasal ka ng iyong maybahay na sana’y ligtas ka at malayo sa kapahamakan
Ito sana ang lagi mong tandaan.
Tatay na sabungero, sana itatak mo sa isip mo
Na ang tunay na kasiyahan ay wala sa loob ng sabungan.
Gawin lang sanang libangan at huwag maging sentro ng buhay.
Ang tunay na kasiyahan at kampeonato ay matatagpuan sa inyong bahay kasama ang iyong mga anak at maybahay.
Mabuhay ka Tatay na Sabungero!
Hindi sayang ang iyong mga sakripisyo
Ipagpatuloy lang ang iyong laban
Dahil ikaw ay isang amang uliran at huwaran.
By: SMMTN
This Father’s Day piece is sincerely and lovingly dedicated to my late husband Benigno Ortiz Nidoy and uncle Romulo “Bulog” Ortiz and to all Tatay na Sabungeros out there! 🫶🫰