03/11/2026
Sa Aming Minamahal na FurParents,
Alam naming marami sa inyo ang nag-aalala at may mga pagdududa dahil sa kamakailang insidente sa San Jose del Monte, Bulacan. Nauunawaan namin ang inyong nararamdaman, lalo na't pamilya ang turing nating lahat sa ating mga alaga.
Nais naming tiyakin sa inyo na ang Loyal Pet Group ay may sariling crematorium facilities at walang anumang kaugnayan sa crematorium na sangkot sa nasabing insidente.
Hindi namin ginagawa o kinukunsinti ang mass cremation. Mayroon kaming mahigpit na proseso para sa tamang pagkakakilanlan, individual segregation during cremation, at maingat at magalang na paghawak sa bawat furbaby na ipinagkakatiwala sa amin.
Alam naming hindi sapat ang mga salita lamang upang maibsan ang inyong pag-aalala. Kaya kasalukuyan naming inihahanda ang pagbabahagi ng aming mga proseso at protocol upang masagot ang inyong mga katanungan at mabigyan kayo ng higit na kapanatagan ng loob.
Para sa amin, ang inyong mga furbaby ay hindi lamang booking number o transaksyon. Sila ay pamilya, minahal nang buong puso, at karapat-dapat tratuhin nang may dignidad, malasakit, at respeto hanggang sa kanilang huling pamamaalam.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala. Patuloy naming sisikaping pangalagaan ang tiwalang ito sa pamamagitan ng tapat, maayos, at responsableng serbisyo.
Dahil hanggang sa huling pamamaalam, pagmamahal at respeto pa rin ang dapat mangibabaw.
LOYAL PET GROUP