Pet HealthCare Veterinary Clinic-Home Service

Directions Contact the business

Pet HealthCare Veterinary Clinic-Home Service Veterinary Home Service

24/06/2024

Good Day our dearest Clients. SUPER IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!

We just want to inform you that our clinic is Binalonan Pangasinan is permanently CLOSED since June 21, 2024.

For those who still wants physical clinic, we still have physical clinic.
𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨𝐕𝐞𝐭𝐬 𝐀𝐧𝐢𝐦𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜
Concepcion, Rosario, La Union
Clinic Hours: Mon-Sat, 9 am-6 pm
CP #: 09750259906

𝐏𝐞𝐭 𝐇𝐄𝐚𝐥𝐭𝐡𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐀𝐠𝐨𝐨-𝐌𝐚𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐜𝐡
2nd Floor, Landbank Building, Agoo, LA Union
Clinic Hours: Mon-Sat, 8 am-5 pm
Cp #: 09751428647

Magastos mag aral ng VetMed guys.. kaya po sa mga gumagawa ng trabaho ng Beterinaryo, try nyo muna magenrol, mag tapos s...
26/05/2020

Magastos mag aral ng VetMed guys.. kaya po sa mga gumagawa ng trabaho ng Beterinaryo, try nyo muna magenrol, mag tapos sa Vet School at ipasa ang boards..

https://www.facebook.com/100104691709487/posts/118063696580253/

Did you know that an average veterinary student will need to buy approximately 30 pieces of surgical instruments for his 5th year surgery class before realizing that 75% of those instruments are already in the dissecting set he bought for his 3rd year anatomy class.

How are you to find out?😆

Good Morning. Just helping a client2 Sh*tzu pups for rehoming . Both MalesDate of Birth: Feb 2020Dewormed -4X5 in 1-2 sh...
25/05/2020

Good Morning. Just helping a client

2 Sh*tzu pups for rehoming . Both Males

Date of Birth: Feb 2020

Dewormed -4X
5 in 1-2 shots
6 in 1-1 shot

Pm me for the price. Thank you!

23/05/2020

Isa lamang pong paalala sa lahat!

Mahigpit pong ipinagbabawal ang pag gamit ng antibiotics sa inyong mga alagang hayop na walang reseta mula sa isang Lisensyadong Beterinaryo.

Ito ang mga ilan sa kaalamang kailangang malaman ng Pet Owners.

1. Ang bawat antibiotic ay may nilalabanang BACTERIA.
*nirereseta lamang ng beterinaryo ang antibiotic kung talagang kinakailangan ng inyong mga alaga nito.
*ang klase ng Antibiotic na nirereseta ay depende sa inaapektohan nitong bacteria sa system ng hayop at may mga proseso pa para madiagnose ng tama kung saan ang site ng infection. Halimbawa kung respiratory system, integumentary system, gastro-intestinal, urinary system at iba pa.

2. May tamang dose ng gamot
* kinakailang tama ang matatanggap o nasa range ang dami ng gamot na maiinom ang inyong alaga. Kinakailangan ding natatapos ang days na kailangang inumin ang gamot.

Consequence ng maling pag gamit ng antibiotic

1. Kung hindi sensitive ang bacteria sa ibinigay na antibiotic, hindi nito magagamot ang infection na meron sa system ng alaga ninyo

2. Kung tama ang gamot na ginamit ngunit kulang ang dossage nito, mag dedevelop din ng antibiotic resistance. Kapag may antibiotic resistance, ibig sabihin kapag gumamit ka ulit sa future ng kaparehas na antibiotic, possibleng di na gumana ito dahil kumbaga na immune na yung bacteria sa kulang na binigay mo dahil hindi sya namatay.

3. Kung overdose naman ang antibiotic na ibinigay, makakasira ito sa internal organs ng inyong alaga at pwedeng ikapahamak ito ng buhay nila

*Ang dose ng gamot ay nakabase sa timbang ng inyong alaga. Bawal ang underdose, bawal din ang overdose

Paalala sa mga pet owners

Hwag makinig sa payo ng kung sinu sinu lng o ng mga napapanood nyo sa internet. Hindi dahil nagkasakit ang a*o nyo ay SMP500 kaagad ang kailangang i gamot. Ito ay maling kaalaman na pilit naming itinatama. Ang responsableng PETOWNER ay kumukunnsulta sa Beterinaryo dahil yun ang tama. Hwag po kayo mag self-medicate.

Para sa mga katanungan, mag pm lamang po sa page na ito

20/05/2020
19/05/2020

Magandang araw po!

Nais lamang po naming ipabatid na ang home service appointments po natin para sa vaccination, purga at basic treatments ay tuwing Sunday lamang po. Every Sunday lamang po available ang ating Beterinaryo ngunit maari po kayong mag send ng personal na mensahe sa page na ito kung may katanungan tungkol sa inyong mga alagang hayop.

Maraming salamat and God Bless u all!!

https://www.facebook.com/101701184757945/posts/144471427147587/
18/05/2020

https://www.facebook.com/101701184757945/posts/144471427147587/

𝐅𝐀𝐐𝐬 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒:

(Ito ang pinakamahabang post ng taon 🤣😅, basahin ng mabuti)

Ang Rabies ang pinakakilalang sakit ng a*o sa Pilipinas. Bagamat alam natin na ito ay delikado at nakamamatay, marami pa ring a*o sa Pilipinas ang hindi nababakunahan laban dito. Dahil dito, taon taon ay nakapagtatala ng humigit kumulang 300 ka*o ng human rabies sa Pilipinas. Hindi dapat ito nangyayari kung ang lahat ng a*o (lalo na ang mga stray dogs) ay mababakunahan, may maayos at ligtas na tirahan, at rehistrado. Layunin ng bansa na maging Rabies-free ang Pilipinas pagdating ng 2022, samantalang target na mawala ang sakit na ito sa buong mundo pagdating ng 2030.

Isa sa pinakamahahalagang hakbang ay ang pagbabahagi ng tamang kaalaman tungkol sa sakit na ito. Narito ang ilan sa mga karaniwang tanong tungkol sa Rabies:

𝟏. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐮𝐤𝐮𝐡𝐚?
- Ang Rabies ay isang zoonotic na sakit (sakit mula sa hayop na napupunta sa tao) na nagdudulot ng acute encephalitis. Ito ay walang lunas at nakamamatay kapag nakitaan na ng sintomas ang biktima. Ito ay sanhi ng isang virus na naipapasa sa pamamagitan kagat, kalmot, or pagdikit ng sugat sa laway ng infected na a*o o pusa.

𝟐. 𝐀𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐨 𝐩𝐮𝐬𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬?
- ang Rabies virus ay hindi natural o inborn sa a*o o pusa. Gaya sa tao, sila ay nahahawa lang din kapag sila ay nakagat ng infected na hayop.

𝟑. 𝐎𝐛𝐥𝐢𝐠𝐚𝐝𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐢-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐚? 𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚?
-Opo, ito ay alinsunod sa Republic Act 9482 (Anti-Rabies Act of 2007). May katapat na multa ang paglabag dito. Maari nyo pong dalhin ang inyong alaga sa mga municipal/city veterinary office o sa mga pribadong veterinary clinic para sa bakuna.

𝟒. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐚?
- Maari na silang bakunahan pagdating nila ng 12 weeks old pataas. Kailangan ulitin ang pagbabakuna kada taon.

𝟓. 𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐚 𝐨 𝐭𝐮𝐭𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨?
- Hindi po. Pare-pareho lang po ang virulence o tapang ng rabies virus sa kahit anong hayop (mammals). Ang bilis ng pagkalat ng virus ay nakadepende sa laki at dami ng sugat, parte ng katawan na nakagat, dami ng rabies virus na nakapa*ok sa katawan, kung nagpapakita na ng sintomas ng rabies ang a*o bago ito mangagat, at immune status ng biktima ang ilan sa mga factors na nakapagpapataas ng chance na mag-develop ang rabies sa biktima.

𝟔. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨?
✓ Hugasan agad ng mabuti ang sugat o kalmot gamit ang sabon at running water sa loob ng 15 minuto, upang matiyak na matatanggal ang laway ng a*o.
✓Maglagay ng iodine, 15 minuto pagkatapos na hugasan ang sugat.
✓Dalhin kaagad ang nakagat na tao sa animal bite center at kumonsulta sa physician.

𝟕. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐚𝐬𝐨?
✓ Gawin ang steps sa no. 6 ngunit dalhin naman agad sa pinakamalapit na vet clinic
✓ Kung hindi bakunado, ikulong hangga’t maari para maobserbahan sa loob ng 14 days at maiwasang makakagat naman ng ibang a*o o tao. Huwag papatayin. Pabakunahan ito kung ito ay magiging masigla pagkatapos ng observation period.

𝟖. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭?
✓ Kung malalaman kung sino ang a*ong nakakagat, dapat itong ikulong at obserbahan sa loob ng 14 days. Mag-ingat sa pagbibigay ng tubig at pagkain para maiwasan na makakagat ulit. Huwag agad papatayin. Kumunsulta sa beterinaryo.

𝟗. 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐰𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐚𝐠𝐚𝐭?
- Hindi po. Ang sakit na ito ay maaring magpakita ng iba’t ibang sintomas. Karaniwan nagiging agresibo sila (furious form), ang iba ay hindi makagalaw, hirap uminom at matamlay (paralytic).

𝟏𝟎. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐠𝐚𝐭?
-Hindi dapat agad patayin ang hayop para maobserbahan kung magpapakita itong senyales na may rabies ito. Ito ang magiging batayan kung kakailanganin ng isang tao kumpletuhin ang post- exposure prophylaxis (PEP). Kung patayin agad ang hayop, kailangan matiyak na makukumpleto ang PEP.

𝟏𝟏. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐝𝐨𝐤?
- Hindi rekomendado ang pagpapatandok sa nakagat ng a*o. Una, hindi sa dugo kumakalat ang rabies virus kundi sa nerves (kaya kahit na mapadugo pa ang sugat ay walang kasiguraduhan na hindi nakapa*ok ang virus). Pangalawa, maaring makadagdag ito sa infection. Pangatlo, kadalasan ay nagiging kampante na ang taong nakapagpa-tandok at hindi na kumukunsulta sa physician na maaring magpa-delay sa post-exposure prophylaxis o pagbibigay ng bakuna/immunoglobulin.

𝟏𝟐. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢-𝐝𝐞𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐭-𝐞𝐱𝐩𝐨𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐡𝐲𝐥𝐚𝐱𝐢𝐬 (𝐏𝐄𝐏) 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐬𝐨?
- Hindi ito rekomendado. Dahil kailangan maagapan ang posibilidad na pag-abot ng virus sa utak ng tao. Maaring lumabas ang sintomas pagdating ng 3-5 araw pagkatapos makagat ng rabid dog. Ang ilan naman ay maaring magtagal ng linggo hanggang buwan bago lumabas ang sintomas. Kapag nakaabot na sa utak ay wala ng lunas at ikamamatay na ito ng biktima, kaya kinakailangan kumonsulta sa physician habang inoobserbahan ang a*o.

𝟏𝟑. 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬?
- Kinakailangan pa rin pong ikonsulta ito sa physician. Kung may maayos na dokumento nagpapatunay sa pagbakuna sa a*o, “provoked” o aksidente ang pagkakagat dahil naglalaro, sariling alaga ang a*ong nakakagat at hindi pagala-gala sa kalye, at kung ito ay walang open wound ay maaring magdesisyon ang physician na huwag magbakuna. Pero physician ang dapat sundin dito, hindi ang beterinaryo. Sa Pilipinas na kadalasan ang mga a*ong nakakagat ay pagala-gala o ang a*o ay walang maayos na bakuna at vaccination record, kinakailangan mabigyan ng PEP ang biktima.

𝟏𝟒. 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐭𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨, 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧?
- Ipaalam sa beterinaryo (city or municipal vet hanggat maari) kung nagkaroon ng pagbabago sa ugali, ayaw kumain, matamlay, at naging agresibo ang a*o, para sila ang gumawa ng euthanasia kung kinakailangan. Kung sakali na biglang namatay ang a*o, pugutan ito ng ulo (pinakamabuti kung may beterinaryo pero kung wala ay mag-ingat). Magsuot ng gloves, salamin at mask para hindi matalsikan ng laway sa mukha. ilagay ito sa ice box na puno ng yelo para di agad malusaw ang utak. Dapat itong maibyahe sa loob ng 8 oras pagkatapos mamatay. Kung sakali na di agad maidadala sa laboratoryo, ibalot ito ng mabuti sa plastic at ilagay sa freezer. Dalhin ang sample sa RITM, BAI-ADDL, at regional rabies diagnostic laboratories.

𝟏𝟓. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨?
- Una, May ilang ulat na namatay pagkatapos kumain ng a*o. Hindi man direkta sa laman ng a*o ito nakuha, ngunit maari itong nakuha mula sa laway o utak ng infected na a*o. Pangalawa, labag ito sa RA 9482 at may kaukulang multa at pagkakulong.

𝟏𝟔. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐠𝐚, 𝐫𝐚𝐛𝐛𝐢𝐭 𝐨 𝐡𝐚𝐦𝐬𝐭𝐞𝐫?
-Hindi po kailangan dahil wala pang naitatalang ka*o mula sa nakagat ng rodents. Ngunit maari pa ring kumonsulta sa physician para sa anti-tetanus at gamot sa sugat.

𝟏𝟕. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐨 𝐭𝐚𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐧𝐚𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐢-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚?
- Hindi po.

𝟏𝟖. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧?
- Maaring ang a*o po ay hindi talaga completely healthy. maari na may iniinda na itong ibang sakit na lalong lumala dahil sa challenge ng bakuna. Kaya po dapat ay masiguro na healthy ang inyong alaga bago pabakunahan.

𝟏𝟗. 𝐍𝐚𝐢𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐭𝐚𝐨?
- ito ay rare case gaya ng organ transplant mula sa infected na tao. Hindi ito kadalasan nangyayari dahil walang “instinct” ang tao na mangagat. Pero kinakailangan na ma-isolate ang biktima upang iwasan ang paghalik, paghawak at pagtalsik ng kanilang laway sa mata o sugat ng ibang tao.

𝟐𝟎. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚?
- Mataas ang chance na makagat ang bata (4 out of 10 deaths) dahil hindi nila alam paano makaiwas sa kagat ng a*o. Kadalasan ay na po-provoke nila ang a*o dahil sa kanilang paglalaro. Kapag di rin nababantayan ang bata, maari silang makalabas ng bahay at malapitan at makagat ng rabid na a*o. Kaya kinakailangan ituro sa mga bata ang tamang pag-aalaga ng hayop at panatilihing ligtas at may gabay kung maglalaro sa labas ng bakuran.

𝟐𝟏. 𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐬𝐭𝐨𝐬 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨?
- Ayon sa batas (RA 9482), responsibilidad ng owner ng a*ong nangagat ang gastusin sa pagpapagamot sa biktima. Kung tumanggi ang owner na tumulong, maaring makipag-ugnayan sa barangay o police para mamagitan.

Tandaan: Ang Rabies ay nakamamatay ngunit kayang maiwasan kung ang mga a*o o pusa ay mababakunahan at magiging responsible owner ang bawat Pilipinong may alagang a*o o pusa.

PS. Hindi dahil nabigyan mo ng tubig at pagkain ang a*o ay responsible owner ka na. Dapat ay mabigyan mo sya ng mga bakuna na kailangan nya, malinis at ligtas na tirahan, huwag hahayaang pagala-gala sa labas ng bahay, at ipagamot kapag may sakit.

Mag-like at share sa aming page para sa karagdagang kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga at mga sakit ng inyong alagang a*o at pusa.

Para sa karagdagang kaalaman maaring basahin ang mga info sheets at references sa links na ito:

• https://www.who.int/rabies/Rabies_General_Public_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
• https://www.who.int/rabies/Rabies_Clinicians_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
• https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2007/ra_9482_2007.html
• http://www.philahis.ahwd.ph/GIS_Maps/RabOutM
• https://rabiesalliance.org/resource/lessons-learned-philippines
• https://rabiesalliance.org/resource/rabies-information-flipchart-teaching-guide
• Amparo, A. C. B., Mendoza, E. C. B., Licuan, D. A., Valenzuela, L. M., Madalipay, J. D., Jayme, S. I., & Taylor, L. H. (2019). Impact of Integrating Rabies Education Into the Curriculum of Public Elementary Schools in Ilocos Norte, Philippines on Rabies Knowledge, and Animal Bite Incidence. Frontiers in Public Health, 7.doi:10.3389/fpubh.2019.00119

Good Day pet owners!We love our pets and we consider them as part of our family that is why it is also important for the...
17/05/2020

Good Day pet owners!
We love our pets and we consider them as part of our family that is why it is also important for them to be checked by a Licensed Veterinarian when you observed abnormalities.

When we observe something abnormal about our pets like vomiting, diarrhea, or other abnormalities, consult a veterinarian right away. The veterinarian will ask you some questions. He will also perform different Test or procedures in order to diagnose the condition of your pet. Correct diagnosis is very important in treating your pets.

A responsible owner always consults his/her trusted veterinarian!

Address

Binalonan-Manaoag Hi-way, Brgy. Linmansangan
Binalonan
2436

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pet HealthCare Veterinary Clinic-Home Service posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pet HealthCare Veterinary Clinic-Home Service:

Shortcuts

Share

Category