20/06/2025
The reason why I don't want to teach 😊 nakapagtapos ako ng kursong Edukasyon pero hindi ko ginusto magturo kasi alam ko darating ang panahon na ang mga g**o ay hindi na rerespetohin ng mga kabataan at masaklap pa na walang sapat na sustento ng gobyerno para sa mga pangangailangan ng mga g**o sa paaralan. Hindi man sa lahat ng panahon minalas ang mga g**o pero kadalasan ay malas talaga. Napuno ng Utang, walang sapat na oras sa pamilya, problema kung paano e handle ang mga bata na mas matanda pa kung umasta. Hindi man lahat pero marami talagang mga bata ngayon na hindi mapagsabihan. Ewan ko nalang, marami namang benepesyo ang pagiging isang g**o pero sa panahon ngayon 😔 lubog sa utang. Saludo parin ako s alahat ng mga g**o kasi pinanindigan nila ang kanilang propesyon kahit nahihirapan na minsan. Kung wala sila, walang mararating ang mga kabataan na matitino sa isip, gawa at salita..Kaya ako ngayon, mas pinili ko maging isang private animal technician kasi dito ako masaya at dito ko nakita ang potential ko sa buhay.. Yun lang, salamat sa lahat ng g**o na patuloy lumalaban sa araw araw na sakuna sa loob at labas ng paaralan. 😊😄
May nahuli akong nangongopya. Di ko na sinita. Baka kasi ma-trauma.
May nagdadaldalan habang exam? Hinayaan ko na lang. Baka sabihan akong abusive.
May lumalakad-lakad, parang nasa mall. Gusto ko sanang singhalan, kaso baka magka-anxiety.
May nagsisigawan pa. Pero wag na, baka child abuse na naman 'yan.
Gusto ko sanang punitin yung kodigo—pero baka magsumbong. Baka mag-viral. Baka magka-depression.
So ayun... ngumiti na lang ako. Ganyan na talaga ngayon.
Mga bata? Masyadong marupok.
At bakit? Kasi batas mismo ang nagturo sa kanila maging entitled.
Teacher ka? Hindi ka na “second parent.”
Robot ka.
Hindi ka puwedeng magalit. Hindi puwedeng magdisiplina.
Pero gusto nila, ikaw pa rin magturo ng values.
Eh paano? Kapag pinagsabihan mo, violation na.
Kapag pinagalitan mo, mental damage na raw.
Kaya huwag na tayong magulat...
5 to 10 years from now,
We’ll have a generation that’s entitled, fragile, and loud—
Pero allergic sa correction.
Gusto n’yo ng child protection? Eh teacher protection meron ba?
Kung second parent talaga kami,
Bakit kami bawal magdisiplina?
Second parent ba ang takot sa estudyante?
Mga batang '80s at '90s:
Luhod sa asin.
Luhod sa munggo.
Naliparan ng chalk.
Nabato ng eraser.
Pero tumibay. Lumaban.
Ngayon? Masermunan mo lang, may breakdown na.
Hello, students.
Hello, Pilipinas.
Good luck sa future.