22/04/2021
We have production Rhode Island Reds.
Hindi sila Mixed sa ibang breed. Nanggaling sila sa sinaunang Linya ng Rhode Island Red. Direct Importer din yung kinunan ko netong mga to and mga respetadong breeder sa US din ang kinunan nya.
Contrary to popular belief, ang Production Rhode Island Reds ay hindi crosses ng Rhode Island Reds sa ibang breed ng Manok. (hindi sya ini cross sa whites or dekalb).
Production type sya dahil specifically bred sya for production purposes. Ibig sabihin, mostly Itlog secondary ang Karne. Usually yung Roosters (C**k) pang karne habang ang mga Hen ay pang itlog.
Kung sa mga show type, may tinatawag silang "Culling" nung mga hindi pasok sa standards ng physical na itsura ng manok, sa Production, ang kina Cull natin ay yung mga 1. mahina umitlog 2. sobrang laking hen at malakas kumain 3. yung sakitin, Wala tayong paki-alam sa itsura ng manok.
Sa kadahilanang dami ng itlog ang habol natin, Hindi tayo nag i-inbreed. Mas preferred natin mag infuse ng ibang line or tandang sa ating flock para mas tumaas ang fertility at mas dumami pa ang pangingitlog. Dahil sa practice na ito, malaki talaga ang nababago sa itsura ng manok natin kasi nagugulo ang genetics ng Manok.
Ang Rhode Island Reds ay Nabuo sa pamamagitan din ng pag ko cross ng sari saring lahi din ng manok. (selective breeding of birds of Oriental origin such as the Cochin, Java, Malay and Shanghai with brown Leghorn birds from Italy.)
Kaya pag nag i-infuse tayo ng ibang linya sa flock natin at na disturb ang genetics, mas malamang na mabago ang kulay at porma ng Manok natin.
isa sa mga foundations ng breeding show type chicken ay ang pag la-line breed. Ibig sabihin i-me mate mo yung pinakamagandang hen sa pinaka magandang C**k sa loob din ng flock. usually, pamangkin sa tito/Tita ang pinaga effective para di masyado affected yung pangingitlog. pag may mga kino correct sila, pwede rin anak sa tatay/nanay. pag kulay ng plumahe or pakpak pwede sa magkapatid. Okay din magpipinsan.
ang pag bi-breed ng show type - Quality over Quantity ang galawan jan.
Ang pag bi breed ng Production, Quantity tayo over Quality.
Saka eto pa ha, sa US, May nag so show din ng mga White Leghorns at may sarili din itong standards ng APA. gayun pa man, White Leghorn pa rin naman ang tawag sa mga puting paitlugin natin dito kasi White leghorn pa rin naman sila.