07/05/2026
Nag-aalaga ka din ba ng Shih Tzu—or balak mo pa lang? 🐾
Ito ang ilang bagay na dapat mong malaman (or baka alam mo na rin):
1. Huwag kang papalinlang sa cute nilang mukha at maliit na katawan—ang Shih Tzu ay may personality na parang mas malaki pa sa sarili nila. 😅 Sweet sila, pero minsan stubborn din at marunong mang-demand ng attention.
2. Originally bred sila as companion dogs, kaya gustong-gusto nila ang tao. Madalas silang “shadow dog” na sunod nang sunod sa’yo kahit saan ka pumunta. Kapag matagal naiiwan mag-isa, pwede silang ma-stress o maging clingy.
3. Ang coat nila ang isa sa pinaka-iconic sa breed—but also one of the highest maintenance. Kailangan ng regular grooming, brushing, at proper hygiene para maiwasan ang matting, skin issues, at eye irritation.
4. Hindi sila sobrang high-energy tulad ng working breeds, pero kailangan pa rin nila ng daily walks, playtime, at stimulation para healthy ang katawan at mood nila.
5. Sensitive din ang Shih Tzu sa init dahil sa short muzzle nila. Kaya importante ang proper hydration, ventilation, at tamang nutrition para hindi sila madaling hingalin o manghina.
6. Madalas din silang prone sa skin allergies, tear stains, digestive sensitivity, at dental issues—kaya malaking factor talaga ang quality ng pagkain nila.
Ilan pa lang ‘yan sa mga dapat mong malaman tungkol sa Shih Tzu. Kung ikaw ay may alaga—or plano pa lang—importante na maintindihan mo na hindi lang sila “display dog.” Kailangan din nila ng proper care, routine, at tamang nutrition para healthy talaga sila.
Hindi sapat na cute lang sila—dapat healthy din from inside out. 🐾
Sa totoo lang, maraming common problems sa Shih Tzu tulad ng dull coat, mabahong hininga, excessive tearing, low appetite, at skin irritation ang pwedeng lumala dahil sa poor-quality diet o fillers sa pagkain. Pero kapag tama ang nutrition, sobrang laki ng difference—mas shiny ang coat, mas healthy ang skin, mas active, at mas ganado kumain.
Dito pumapa*ok ang Animal Haven PH.
We focus on real, nutrient-dense meals na hindi lang pampabusog—kundi pagkain na sumusuporta sa overall health, digestion, coat quality, at daily vitality ng dogs mo.
Marami na rin kaming furparents na may Shih Tzu na nagsabing nakita nila yung difference after switching—mas magana kumain, less shedding, mas lively, at mas healthy tingnan overall.
Kung naghahanap ka ng pagkain na makikita mo talaga ang epekto, message mo lang kami. 📩
Sa huli, ang pag-aalaga ng Shih Tzu hindi lang tungkol sa pagiging cute nila—responsibility pa rin ‘yan, araw-araw.
Do your research. 🐾