
29/08/2025
Hinimok ng aktres na si Carla Abellana ang publiko na kumilos at direktang tumulong sa mga “animals in need,” sa halip na iasa lamang ang pagtulong sa iba.
Sa Facebook video noong Huwebes, Agosto 28, emosyonal na ibinahagi ng aktres ang kanyang karanasan sa isang asong nabiktima ng hit-and-run, na kanyang dinala sa isang bakanteng lote at binigyan ng maayos na libing.
"It's the least that I can do. At least give him the proper burial he deserves," saad ni Carla.
"I try my best and I hope more of you try your best to rescue, save, feed, adopt even," dagdag pa ng aktres.
Nanawagan din siya sa publiko na magkusang kumilos para sa mga stray animals, "Try your best to actually do something about it. Hindi ‘yung picture lang, video lang."