White Rabbit Territory

White Rabbit Territory This page is all about rabbits (& bits of my other farm buddies)
I've been farming rabbits since 2013

23/09/2025

Ingat lahat, may bagyo na naman.

Andami palagi nagtatanong kung kay rabies po ang rabbits, heto po ang kasagutan. Basa po.
18/06/2024

Andami palagi nagtatanong kung kay rabies po ang rabbits, heto po ang kasagutan. Basa po.

Posible bang magkaroon ng Rabies ang mga Rabbit ?

Mang-Damo, Makalmot at Makagat. Yan ay Ilan lamang sa normal na nararanasan nating mga Rabbitero, kumbaga hindi kapa nabibinyagan kung hindi kapa nakakagat o nakakalmot ng Rabbit(s) mo.

Pero pag usapan natin yung katanungang:
“May Rabies ba sa kagat o kalmot ng Rabbit?”

Pero bago ang lahat ano nga ba ang Rabies ?
Ayon sa kaibigan kong si Merriam Webster, ang Rabies daw ay :

“an acute virus disease of the nervous system of mammals that is caused by a rhabdovirus (species Rabies virus of the genus Lyssavirus) usually transmitted through the bite of a rabid animal and that is characterized typically by 1. increased salivation, 2.abnormal behavior, and 3. eventual paralysis and death when untreated.”

Note:
(Nilagyan ko ng numbering yung mga signs na may rabies ang isang hayop)

Ito ay isang virus sa nervous system ng mga mammals na nakukuha sa kagat ng isang rabies infected na hayop.

So, paano pwedeng maging carrier ang Rabbit ?

Mammal ba ang isang Rabbit ? Oo syempre ! Lahat ng hayop na warm blooded at nagpapasuso ng anak nila ay isang Mammal.
At pag sinabi nating Virus, hindi po ito basta basta ! Dahil ang Virus po ay nakakahawa maaaring sa laway, dugo o anumang likido na maaaring manggaling sa isang virus infected na tao o hayop.
Malaking halimbawa ang nararanasan nating COVID sa sinasabi nating Virus.

Ngayon halimbawa, ang isang rabbit ay nakagat ng isang a*o, pusa o anumang hayop na may rabies, yes po ! Opo . Magiging carrier po ng Rabies ang inyong rabbit at kung makagat din kayo ng rabbit na may rabies , possible din po na mahawa kayo o magkaroon ng rabies.

Pero … wag kang mag-alala. Low chance at low risk naman talaga ang mga rabbits sa Rabies, bakit ? Syempre! Ang mga Rabbits ay madaling mamatay kung makakagat man sya ng isang hayop e, maaari mamatay agad sya sa pagkakakagat mismo o sa shock nito, bago pa sya maging carrier.

At bilang isang patotoo na talagang low risk o low chance ang rabbits sa rabies ay, ako po ay walong taon na sa pagra-Rabbit, kalmot at kagat ay naging parte na ng buhay ko. Pero hanggang ngayon .. i’m still kicking and breathing.

Kaya naman masasabi ko para maiwasan natin ang ganitong Rabies nato ay dapat i-safety natin mga alaga natin sa mga wild animals na umaaligid sa kanila, maayos na kulungan at tandaan po natin na 1 Rabbit = 1 Cage po palagi lalo pag 3 months pataas na ang alaga natin.

Salamat sa pagbabasa mga Kaibigan !
Kung may tanong ka o karagdagan comment mo lang dyan.
Pwede i share pero bawal copy paste.

At last na, paFollow narin ng aking Youtube Channel, magpopost din ako dun ng mga videos about Rabbits. Heto Link:

https://youtube.com/channel/UCJyxktkIKZ9eDKtCCAAVFWA

Salamat po ulit at Ingat po tayo lahat ! 🐰✌️

FAQ https://tinyurl.com/DextrosePowder❓Pwede ba ang Dextrose Powder sa buntis na rabbit? Yes. Pwede sa buntis, nagpapade...
22/06/2023

FAQ https://tinyurl.com/DextrosePowder

❓Pwede ba ang Dextrose Powder sa buntis na rabbit?

Yes. Pwede sa buntis, nagpapadede, nanghihinang rabbit.

❓Para saan ang Dextrose Powder?

It is a carbohydrate and valuable source of energy rapidly and easily absorbed. It stimulates healthy appetite and sustains adequate water intake. It is indicated for animals in building stamina and vigor before and after strenuous activities. It compliments treatment and management of debilitated animals in cases of dehydration electrolyte, imbalance, diarrhea, vomiting, convalescence, and during periods of stress and disease conditions.

❓Gaano karaming Dextrose Powder ang pwede kong ibigay sa aking rabbit?

Dissolve 2 tbsp of powder in 250 mL water. Serve! Either forced or not.

https://tinyurl.com/DextrosePowder

It's that time of the year! Tuyot nanaman mga damuhan.
17/05/2023

It's that time of the year! Tuyot nanaman mga damuhan.

Nahaggard kakahagilap ng Damo. 😝

Credits to: Khetts rabbitry

Address

Mahabang Parang
Angono
1935

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when White Rabbit Territory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share