23/05/2025
Huwag pong kalimutan, 5n1 and Rabies vaccines save lives! 💚
DON’T SAY “NEXT TIME” TO RABIES AND 5-N-1 VACCINES
“Doc, rabies lang po ipaturok ko sa puppy, kasi ‘di naman po ‘yan pinapalabas ng bahay.”
“Huwag na muna yung 5-in-1, dagdag gastos lang. Tumagal naman mga askal namin kahit walang ganyan.”
I often hear these from pet owners who don’t see the value of the 5-in-1 vaccine at our clinic.
Pero bakit nga ba parehong importante ang 5-in-1 (DHLPP) at rabies vaccine para sa lahat ng a*o sa Pilipinas?
Una sa lahat, hindi lang parvo ang pini-prevent ng 5-in-1. Kasama rin dito ang Distemper, Hepatitis, Leptospirosis, at Parainfluenza. Ito ang tinatawag na core vaccines, ibig sabihin, lahat ng a*o, kailangan nito, kahit hindi lumalabas ng bahay.
“Doc, ano bang pwedeng mangyari kung hindi ko sila pabakunahan?”
Eto ang worst-case scenario ng bawat sakit na nabanggit:
1. Distemper – Maaaring magdulot ng seizures, brain damage, o kamatayan.
2. Hepatitis (CAV-1) – Biglaan at malalang liver failure at internal bleeding.
3. Leptospirosis – Nagdudulot ng kidney at liver failure. Zoonotic o nakakahawa sa tao.
4. Parainfluenza – Malalang ubo, kasama sa kennel cough complex.
5. Parvovirus – Bloody diarrhea, dehydration, and death without intensive treatment.
6. Rabies – Zoonotic, walang lunas at palaging nakakamatay.
So bilang pet owner, handa ka bang hintayin magkasakit ang alaga mo bago kumilos?
Handa ka bang malagay sa alanganin ang iyong kapamilya, kapatid, kapuso, and your own health?
Sa gastos pa lang, alam mo ba na ang DHLPP + rabies vaccines ay nasa ~₱3,000 lang? Pero ang hospitalization for parvo alone? Umaabot ng ₱15,000–₱50,000, depende sa lala, with no guarantee of survival.
At kung rabies ang tumama? Hindi lang a*o ang pwedeng mamatay, ang tao rin. Sa Zamboanga City, may apat na tao ang namatay suspected of rabies in the first quarter pa lang of 2025. Scary!
Kaya pag sinabihan kayo ng vet na pabakunahan ang alaga, hindi po ito pera-pera. At lalo na pong hindi ito chismis. Pag sinabing kumpletuhin ang bakuna, wag po matigas ang ulo. 🤗
Ang pagmamahal sa alaga ay hindi natatapos sa cuddles at kisses. Kailangan po ng utak, puso, at budget.
Wag puro TikTok at reels, mga vhe. Magbasa, mag-research, at higit sa lahat, maglaan ng oras at pera bago mag-alaga.
Take this as a sign to check your pets’ records and update their vaccination.
And kung nasa Zamboanga City po kayo, alam nyo na saan dadalhin ang mga alaga nyo, syempre sa Cassa de Perro Veterinary Clinic (Tumaga) or sa Eastcoast Pet Care Services (Tetuan). Ahemm, shameless plug bc why not?! 😉😅
Let’s vaccinate, walk the talk, and be responsible pet owners. Kaya natin ‘to! 💪
(Post-vaccination photo of these adorable pups taken at the clinic)