
15/06/2025
MALIGAYANG ARAW NG MGA TATAY!
Mga Tatay na nagsasakripisyo sa malayong lugar para sa kapakanan ng kanilang pamilya.
Para sa mga Tatay na nagmamahal ng walang limit sa kanyang mga anak.
Para sa Ate o Kuya na tumatayong ama sa kanilang mga kapatid.
Para sa Single Mom, na nagpapakakuba, maibigay ang suporta sa kanyang mga anak.
Para sa Lolo o Lola na tumatayong ama sa kanyang mga apo para magkaroon ng magandang buhay.
Para sa bawat ama, anuman ang KULAY, KASARIAN, o PAGKAKAKILANLAN, na patuloy na nagsasakripisyo, lumalaban sa tahimik na paraan, at nagbibigay ng walang-hanggang pagmamahal at pag-aaruga.
Alam namin ang mga hirap na tinitiis ninyo, ang mga luha sa likod ng ngiti, at ang mga tagumpay na bunga ng inyong pagtitiis.
Mabuhay kayo—mga ama sa dugo, sa puso, at sa gawa.
Saludo kami sa inyo! 💜