03/05/2026
IMPORTANSYA NG BREED STANDARD
Ang pagpapahalaga sa breed standards para sa Cane Cors ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng "magandang" a*o. Ito ay nagsisilbing blue print o gabay upang mapanatili ang kalidad, kalusugan, at gamit ng isang partikular na lahi.
Ang breed standard ay ang "constitution" ng bawat lahi. Kapag sinunod ito ng isang breeder, tinitiyak nila na ang Cane Corso na kasama mo sa bahay ay ang tunay na Cane Corso—matatag, balanse, at may dangal.