22/05/2026
Ang betta fish ay isa sa pinaka-popular na aquarium fish dahil makulay sila, matalino, at may kakaibang personality. Kilala rin sila bilang “Siamese Fighting Fish” dahil sobrang territorial ng mga male betta at madalas silang mag-away. Ang betta fish ay nagmula sa Southeast Asia, lalo na sa: Thailand, Cambodia, Vietnam, Laos. Sa wild, madalas silang makita sa: rice fields, mababaw na ponds, slow-moving waters, marshes o latian. Dahil dito, sanay ang betta sa kalmado at mainit-init na tubig.
Bakit hindi na kailangan ng aerator/air pump o yung tinatawag ng iba na oxygen? Dahil May espesyal na organ ang betta na tinatawag na labyrinth organ. Dahil dito, kaya nilang huminga mula sa tubig at direkta mula sa hangin. Kaya madalas mo silang makitang umaakyat sa surface. Kahit kaya nilang huminga ng hangin, kailangan pa rin nila ng malinis na tubig at tamang pag-aalaga. Hindi sila dapat ilagay habang-buhay sa maliit at maruming lalagyan.
Carnivore ang betta fish, magagandang pagkain: betta pellets, frozen bloodworms, brine shrimp, daphnia. 1–2 beses bawat araw, maliit na amount lang, Delikado ang overfeeding. Pwede itong magdulot ng: bloating, constipation, maduming tubig. At alam niyo ba na ang tiyan ng betta ay halos kasing laki lang ng mata nito 👀
Male vs Female
Male Betta
-mas makulay
-mahahaba ang fins
-mas aggressive
-kadalasang solo lang
Female Betta
-mas maiikling fins
-less aggressive
-minsan pwedeng group setup kung maayos ang tank
Paalala: Huwag pagsamahin ang dalawang male betta sa iisang tank.
Fun Facts Tungkol sa Betta
- Natutulog at nagpapahinga ang betta sa mga dahon
- Gumagawa sila ng bubble nests kapag masaya o ready mag-breed
- Bawat betta ay may unique na personality
- May mga rare betta na sobrang mahal depende sa kulay at tail type
- Malaki ang kaibahan ng wild bettas sa fancy bettas na nasa pet stores
Ano pang inaantay mo? Mag alaga kna rin ng betta fish.