15/05/2025
All of us were spayed and neutered in PPBCC Philippine Pet Birth Control Center Foundation, it's sad that they will no longer be able to help more pets.
I am a 6 year old cat and was just neutered last year. I am a living proof that they know what they are doing. -Melon
Ipinapaalam namin ang pagsasara ng PPBCC Foundation dahil sa muling paglitaw ng mga akusasyon ng pagkamatay ng mga alaga dahil umano sa kapabayaan sa aming pangangalaga. Bawat ka*o ay aming tinugunan at ipinaliwanag sa bawat may-ari na ang pagkamatay ay bunga ng mga pre-existing na kondisyon at/o dahil sa pagpipilit ng mga may-ari na ipa-neuter ang kanilang mga alaga laban sa payo ng doktor, na may mga signed waiver forms. Bawat medical procedure ay may kaakibat na panganib, gaano man kaliit o kalaki, ngunit kinuha ito ng negatibo at ginamit upang ipakita kaming pabaya at walang puso.
Dahil sa isang kamakailang post ng BestDeals.Ph patungkol sa PPBCC Veterinary Hospital at sa pagkamatay ng kanilang a*o dahil sa mga pre-existing na kondisyon (na hindi namin maaaring ilahad sa publiko ngunit aming ipinaliwanag sa may-ari), nagdulot ng pagkamuhi sa PPBCC Veterinary Hospital at sa founder ng aming foundation. Personal na tinatakot at iniistalk ang kanyang page. At bilang single mom sa 4 na anak , mas kelangan nyang pahalagahan at protektahan ang kanyang pamilya. Umabot pa sa puntong death threats ang inaabot ngyon ng aming founder. Dahil dito, napilitan kaming isara ang PPBCC Foundation at hindi na makapag-alok ng subsidized neuter rates at libreng neuter outreach events.
Ang PPBCC Foundation ay pinapangasiwaan ng PPBCC Veterinary Hospital, at kung wala sila, hindi na namin kayang mag-alok ng libreng spay at neuter events sa mga munisipyo, subsidized neuter rates, at libreng neuter services sa mga mahihirap. Pinaunlakan ng PPBCC Veterinary Hospital ang PPBCC Foundation upang mapababa ang aming mga presyo mula sa karaniwang Php 800-2000 tungo sa Php 100-300 lamang upang makatulong sa mga may limitadong pinansiyal na may-ari ng alaga at matulungan silang mabigyan ng mas malusog na buhay ang kanilang mga alaga. Dahil dito, nakapag-neuter kami ng halos 200,000 na pusa at a*o simula noong Marso 2017.
Nais naming pasalamatan ang lahat na sumuporta sa amin simula noong Marso 2017 at ang lahat ng responsableng mga pet owner na tumulong sa amin upang magkaroon ng pagbabago sa kapakanan ng mga alagang hayop. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tiwala at suporta. Taglay ang malaking karangalan, dadalhin namin magpakailanman ang misyon na aming sinimulan at naipalaganap sa buong bansa, at ibinahagi naming mga surgical techniques sa aming mga kapwa practitioner.
Para sa mga natitirang rehistradong kliyente, aming aakomodate pa rin kayo sa inyong napiling petsa