20/12/2020
One, Dog, One Cat, One QC!
Pinirmahan na ni Mayor Joy Belmonte ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa makataong pagtrato o humane treatment ng mga hayop na nasa city pound.
Kabilang din sa mga lumagda sina City Veterinarian Dr. Anamarie Cabel, Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong at Malou Perez ng animal welfare group na PAWSsion Project.
Ang PAWSsion Project ay tutulong din sa pagtuturo at pagsasanay sa mga animal catcher ng Quezon City at sa pangangasiwa sa bagong pound ng lungsod na nakatakdang buksan sa unang quarter ng 2021.
Inaasahan na sa pamamagitan ng kasunduang ito ay magiging maayos na ang kondisyon ng mga nahuling a*o sa loob ng city pound.
Source: https://bit.ly/3gVBAos