
15/06/2025
๐ซถ๐ป
Katulad nito ay isang gabing banayadโ
Napapawi ang lungkot, nagiging panatag.
Kape sa kanan, buwan sa itaas.
At ako? Nasa kapilyaโ dako kung saan may sapat akong lakas.
Minsan sapat na ang tahimik na gabi upang maging pahinga.
Magtutungo sa kapilyaโ di kailangan ng maraming salita.
Pikit lang ang mata, buhos ang luha.
Lalabas na puno ng pag-asa.
Susundan ng isang tasang kapeโ
Na sa bawat paghigop nito, naroon ang unti-unting paghilom.
Na sa bawat lunok, may paalala... na minsan kahit mapait ang buhay, may dahilan upang magpatuloy
Sabay titingala sa liwanag na dulot ng buwanโ
Sapat upang ipaalalang kaya mo pang lumaban.
Kasi ang buwan hindi naman palaging buo, hindi palaging maliwanag.
Ngunit darating at darating ang gabi na ang tanglaw niya'y titingkad.
Gaya sa buhay, hindi laging masayaโ
Ngunit kayang kayang bumangon, ilang beses mang madapa.
Kaya sa ganitong gabiโ
naroon ang kapayapaan.
Kapilya. Kape. Buwan.
โTatlong saksi sa mga tahimik kong mga laban.
๐ค