20/03/2025
MARILAO BRIDGE, 2 GIRDER ANG NASIRA. AABUTING NG 2 TO 3 WEEKS ANG RESTORATION โผ๏ธ
TINGNAN: Nasira ang 2 metal girder beam ng Marilao bridge kahapon ng madaling araw, Marso 19, matapos sumabit ang isang truck na may kargang metal cylinder tank. Makalipas ang isang oras ay tinamaan pa ulit ito ng isa pang truck. Nagdulot ng matinding traffic sa northbound at southbound lane ng NLEX kahapon ang insidenteng ito.
Ngayong araw, Marso 20, nananatiling ma traffic ang northbound lane ng NLEX dahil sarado pa din ang lane 2 at 3 dahil sa ginagawang repair sa tulay at sarado din ang Marilao Interchange.
Samantala, matindi din ang idinulot nitong traffic sa kahabaan ng McArthur Hiway dahil ginamit itong alternatibong daan ng mga sasakyan lalo na ng mga truck.
Ayon sa mga panayam kay Mr. Robin Ignacio, Assistant VP for Traffic Operations ng NLEX,
aabutin ng 2 hanggang 3 linggo para matapos ang pag restore sa napinsalang parte ng tulay.
.