18/08/2026
Maraming salamat po sa lahat ng nagpadala ng tulong, nangumusta, at patuloy na nagdasal para sa amin at sa aming mga kapwa-estudyante na naiwan sa pamantasan. Ayon po sa patuloy naming pakikipag-ugnayan sa ating mga security personnel wala na pong estudyanteng naiwan sa pamantasan. Dahil dito, kami rin po mula sa Chapel ay uuwi na rin po sa aming mga sari-sariling tahanan.
Patuloy po nating ipagdasal ang kaligtasan ng bawat isa at ang lahat ng patuloy na naaapektuhan ng masamang panahon. Maraming salamat po sa inyong malasakit at pagtulong.