09/06/2023
‘BRAKE FOR ANIMALS’
Ganito ang naging panawagan ng isang non-profit organization makaraang ibahagi nila ang kwento ng isang stray dog na nasagasaan ng isang SUV.
Ayon sa Facebook post ng Preslee’s Home, ang naturang non-profit organization, naglalakad sila pauwi nang makita nila ang stray dog.
“Habang naglalakad pauwi, nakita namin ang stray dog na ito na kumakain sa gilid ng kalsada. Bawat taong naglalakad ay kinakatakutan nya, siguro dahil walang tiwala. Sa bawat taong papalapit sa kanya, tumatakbo sya papagitna ng kalsada hanggang sa may isang silver na [SUV] na dumaan,” kwento nito.
Aniya, sinubukan niya umanong patigilin ang sasakyan ngunit sinagasaan ito sa kanyang harapan.
“Pinilit kong patigilin ang [SUV] para maitaboy ang a*o sa kabilang sidewalk, pero imbis na mag preno, sinagasaan niya ito sa mismong harap ko,” dagdag pa nito.
“The front wheels crushed his ribs and the rear wheels crushed his head. At bawat butong nababali habang nasasagasaan ng gulong, ay dinig dinig ko na para bang sana ako na lang ang sinagasaan ng babaeng yon,” wika pa nito.
Panawagan naman ng naturang organisasyon, maging responsable sana ang lahat ng mga nagmamaneho.
“Isang pakiusap sa lahat ng nagmamaneho, please maging responsable din tayo… hindi kabawasan sa ating pagkatao kung titingin tayo sa paligid at mag dadahan dahan. The lives of these cats and dogs are also valued by God, kaya sana bigyan din natin ng halaga ang buhay nila,” lahad pa nito. (Facebook/Preslee’s Home)