01/01/2025
Di ko alam paano ko sisimulan ang post na to, baka maging emosyonal ako or lumamang ang galit sa tono ng post ko. Pinipilit ko ikalma ang sarili ko habang nag ttype ng sasabihin ko.
Maraming nag mamahal di lang kay Erza pti sa iba kong mga a*o, mula sa mga photos nila sa facebook, sa instagram, sa lahat pag nakkita nyo si Erza sa Vlog ni Huskyteers TV at ng lowla nya Apricity Siberians maraming nag mamahal sakanila na sobra ko din naman ikinatuwa at pinagpapasalamat.
Andito ako sa Dubai at iniwan ko si Erza and Kuma (black and tan pomeranian) sa boyfriend ko of 11 years which is now my ex. Okay naman ang lahat until naghiwalay kami last September 2024 cnbi ko sknya na ipapakuha na lang sana si Erza pero at the end, nanatili sakanya si Erza at si Kuma. Maayos naman at first. Eventually, bnlock na pala ako ng ex ko sa lahat pati family members ko bnlock nya kami, ako sa lahat ng platform.
Ever since, hndi tlg ako pumapayag ibreed si Erza. Pero before nya ako bnlock non naghiwalay kmi, ininform nya ako na gsto nya mabreed si Erza at nag paalam din sya kay Ate Gracey. Wala nmn problema sakin as long as maayos nya maaalagaan. Hndi na ako tumutol ganon dn c ate Gracey since kilala ni Ate ang ex ko and somehow naging friends din sila. After non wla na akong update kc blocked na ako, even sa puppies wala akong update at all, kay Ate Gracey pa ako nakibalita at sakanya pa ako nkakuha ng update na umanak na pala si Erza. I trusted him na okay sila until one day hndi na rin dw sumasagot ang ex ko kay Ate Gracey. Sa kagustuhan tlg namin na makamusta si Erza and Kuma naghanap ako kung saan ako hndi blocked which is sa telegram. As seen on screenshot, sabi nya wag na raw ako kumontak kht tungkol pa ito sa mga a*o namin at hindi nmn daw nya pinapabayaan. For some rea*on, hndi pdn ako mapakali kaya kinamusta ko ang papa ng ex ko, nagbabakasakali makabalita at don na namin nalaman nina ate ang totoong status ni Erza and Kuma. Nalaman ng ex ko na knkuha ko ang mga a*o ko pero sobra pasasalamat ko sa papa ng ex ko na kahit ngagalit sknya ang ex ko inihatid nya parin sa bahay namin ang mga a*o sa pakikiusap ko.
As seen on videos ni Ate and photos pinabayaan ang mga a*o ko π sobra sakit. Hindi ko akalain na mangyayari sakanila ito, na magagawa ito sakanila ng once tinuring nilang furdad nila.
Wala na akong marami pang excuses, alam ko partly kasalanan ko din, sobra ako nag sisisi sa mga naging desisyon ko at nagsosorry ako sakanila. Hndi nila deserve ito, hndi ko na iddisclose ang iba pang personal na bagay. Gsto ko lang na maiclear din sa mga nkakakilala sa amin na wala na po akong kahit na anong koneksyon at ugnayan sa ex ko since September 2024. Kung ano man po transaksyon o kung mabanggit man po ang pangalan ko in any way ng di ko po alam ay gusto ko lang po na i-clear na wala na po akong ugnayan sakanya.
Gusto ko magpasalamat sa papa ng ex ko na kahit ganon e tnulungan ako sa mga a*o ko, sa mag asawa ni Ate Gracey na tinulungan ako, kinuha at nirescue si Erza kahit magbabagong taon sobra busy ginawan nla ng paraan makuha sya agad. Sobra sobra ang pagmamahal ng mag asawa sa lahat, sobra sobrang bait na kahit ganon hindi ko parin nkita ay nafeel na nagalit sila sa ex ko, palagi ako pnapakalma at knakausap na ang mahalaga ay nasa maayos na si Erza at ibuhos na lang energy kay Erza at Kuma na maging okay na sila. Kay Irina na sobrang supportive. Kay sir Argel dn. Sobra akong nagpapasalamat sa inyo sa pagtulong sa mga a*o ko kahit malayo ako. Palagi kayo kasama sa prayers ko at mkakabawi rin ako sa inyo.
Wala po ako kamag-anak sa pilipinas. Majority po tlg nasa ibat ibang bansa. Kakabalik lang po ng kapatid ko sa Pinas nito lang, at nasa pangangalaga na po nya si Kuma na sana e maka recover at makabalik din sa dati.