09/03/2025
Nakatapos na ako mag pa renovate ng isang Unit ng apartment. Salamat Lord...🙏 Akala ko hindi na ako makakabalik sa negosyo after a depressive episode pero totoong pag may faith ka at di ka masamang tao, magkakaroon ng liwanang ang lahat.
Farming content sana ang page ni Inay Lors. 😅 Kase gusto ko na mamuhay sa probinsya NOON nang tahimik (akala ko tahimik e)!😂. Quick sharing bat ako nawala sa farming, bumalik na ako sa Cavite to attend mga special needs ng Ausome kids ko, mas malapit din kasi ang School at Therapy centers dito, iniwan ko in a blink ang Carigara Leyte , ang mahal kong tiny house, 🥲 at ung mga alaga kong baboy 😅 super dami na nila siguro mag almost 20 sila sanaaaa...di man lang ako pinabenta pa ni Lord 😂 (joking aside) pero ok na sakin, kasi unti unti ko na din pala napbayaan ang sarili ko lalo na yung Mental Health ko, nawalan ako ng peace, siguro sa environment na ginagalawan ko and stress dahil nagkakasakit mga anak ko, ako na kasi ang nag manage ng negosyo namin sa pag papalay, sa mga anak, at pag babuyan, ginawaa ko yun para matulungan ko asawa ko, gusto ko kasi talaga siya mag retire at early age pero dapat may ipon at stable kami na income kasi hindi naman pwede huminto siya sa pag babarko na wala kami pagkukuhaan, nganga kami pag ganon! sobrang laki nagastos namin maka set up nang farm, pero ganun tlaga, whatever circumstances kailangan namin mag move pag hindi naging effective and siguro It's god's way of saying hindi pa right time.
Fast forward today, eto na nga nakatapos na ako magpa renovate ng isang unit ng paupahan namin.
Pwede ka dito mag tindahan, malapit sa lahat, mismong palenkge , 1 ride lang sa mga schools, elementary high schools, colleges, 5 minutes lang from Dela Salle Dasma. 😅 malapit sa malalaking hospitals, 1 ride lang din kung magpapa Baclaran ka, just a few steps lang from house ay sakayan na. Rent ka?Brgy. San Roque, pm mo ako.🤣 ahaha at nag market pa nga!