12/04/2023
PRE-REGISTRATION ANNOUNCEMENT
Libreng Kapon at Ligate para sa mga Aso’t Pusa ng mga Las Piñeros
Inihahandog ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa pangunguna ni Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar at ng City Council, at sa pakikipag tulungan ng pamunuan ng Barangay Talon Kuatro at sa Biyaya Animal Care ang libreng serbisyo para sa inyong mga alagang a*o at pusa.
Ang PRE-REGISTRATION para sa 200 pets ay gaganapin sa araw ng HUWEBES, APRIL 13, 2023 9:00 AM ONWARDS sa SAN ANTONIO VALLEY COVERED COURT, Barangay Talon Kuatro.
Hindi na kailangan dalhin ang alagang hayop sa araw ng Pre-registration.
DAPAT TANDAAN:
-Ang mga alagang hayop ay dapat malusog at walang sakit sa araw ng opera.
-Para sa 6 months-5 years old lamang na mga a*o/pusa.
-Hindi tatanggapin ang mga brachycephalic breeds gaya ng Shih Tzu, Pug, etc.
-Pwede para sa lahat ng Las Piñeros
-Only 1 registered pet per family/household.
-Strictly No Walk-in at On-Site Registration sa April 17.
-8 Hours FASTING bago ang araw ng opera.
-ang mga alagang pusa ay dapat may sariling carrier o kulungan.
- ang mga alagang a*o ay dapat naka tali, leash, o carrier
- mag dala ng pamunas at p**p bag upang masigurong mapanatili ang kalinisan sa ating venue.
Ang Libreng Proyekto ay gaganapin sa APRIL 17, 2023 8am to 5pm sa SAN ANTONIO VALLEY Covered Court, Barangay Talon Kuatro.
Tandaan ang Health Protocols na pinaiiral. Mag suot ng FACE MASK at panatilihin ang SOCIAL DISTANCING.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa proyektong ito at sa mga susunod na schedule, maaaring tumawag sa City Veterinary Office: (02) 8 2552911.
City of Las Piñas
Barangay Talon Kuatro
Biyaya Animal Care