Neptune Bullies PH

Neptune Bullies PH Neptune Bullies PH 🇵🇭 - Passionate about Love birds, Bunnies, and American Bullies.

Friday, August 28, 2026Matthew 11:28 – “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasan...
28/08/2026

Friday, August 28, 2026

Matthew 11:28 – “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan.”

Huwag Mong Sarilinin

Sa mundong puno ng pagod, problema, responsibilidad, at mga pasaning minsan ay hindi natin kayang dalhin, inaanyayahan tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya. Hindi Niya sinabing ayusin muna natin ang buhay natin bago tayo lumapit; sa halip, tinatawag Niya mismo ang mga pagod at nabibigatan lalo na sa gitna ng kabigatan. Ang tunay na kapahingahan ay hindi lang kawalan ng problema, kundi kapayapaang nagmumula sa presensya at pangangalaga ni Cristo. Kaya sa bawat araw, huwag mong sarilinin ang mga problema mo—dalhin mo ang lahat kay Hesus, magtiwala ka sa Kanyang biyaya, at hayaan mo Siyang magpalakas sa iyong nanghihinang puso.

Sabi Niya sa 1 Peter 5:7 – “Ipagkatiwala nʼyo sa Kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit Siya sa inyo.”

Kapag hindi mo na kayang dalhin ang bigat, tandaan mong may Tagapagligtas na nagsasabing, “Lumapit ka sa Akin,” dahil si Hesus ay laging nagmamalasakit sa ’yo. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 26; 1 Samuel 15
Evening: Habakkuk 1; 1 Peter 2

Tuesday, August 25, 2026James 2:13 – “Walang awang hahatulan ng Diyos ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapw...
25/08/2026

Tuesday, August 25, 2026

James 2:13 – “Walang awang hahatulan ng Diyos ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.”

Habag sa Iba

Bilang mga taong nakakaranas ng habag at kapatawaran ng Diyos, tinatawag tayo na ipakita rin ang awa at habag sa iba. Madali tayong manghusga kapag nakikita natin ang pagkakamali ng iba, pero nais ng Panginoon na maalala natin kung gaano rin kalaki ang Kanyang awa sa atin. Hindi ibig sabihin nito na binabalewala natin ang kasalanan, kundi hinaharap natin ito nang may katotohanan, pagmamahal, at biyaya.

Sabi Niya sa Ephesians 4:32 – “Magmagandang-loob kayo at mahabagin sa isa’t isa, at magpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.”

Ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa paraan ng pakikitungo natin sa mga taong nagkamali, nasaktan, o nangangailangan ng pang-unawa. Piliin lagi nating maging daluyan ng habag ng Diyos—dahil tayo rin ay nabubuhay lang araw-araw sa Kanyang habag. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 23; 1 Samuel 12
Evening: Lamentations 3; 1 Peter 5

Friday, August 21, 2026Zephaniah 3:17 – “Sapagkat kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Katulad Siya ng isang maka...
21/08/2026

Friday, August 21, 2026

Zephaniah 3:17 – “Sapagkat kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Katulad Siya ng isang makapangyarihang sundalo na magliligtas sa inyo. Magagalak Siya sa inyo, at sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig ay babaguhin Niya ang inyong buhay. Aawit Siya nang may kagalakan dahil sa inyo,”

Sa Ating Kalagitnaan

Isang napakagandang pangako na hindi tayo nag-iisa sa anumang pagsubok na ating pinagdaraanan. Ang Diyos ay hindi lang nasa malayo at pinagmamasdan tayo—Siya ay nasa ating kalagitnaan, kasama natin, nagliligtas, nagpapalakas, at nagbibigay ng kapayapaan. Higit pa rito, sinasabi ng talata na Siya ay nagagalak sa atin at tahimik na nagpapakita ng Kanyang pag-ibig. Kapag tayo ay nababalisa, nasasaktan, o nanghihina, alalahanin natin na ang ating Diyos ay banal na makapangyarihan ngunit Siya rin ay mapagmahal at mapagkalinga.

Sabi Niya sa Isaiah 41:13 – ”Sapagkat Ako ang Panginoon na iyong Diyos. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.”

Kaya sa araw na ito, huwag tayong mamuhay sa takot; magtiwala tayo sa presensya at kapangyarihan ng Panginoon, sapagkat ang Diyos na kasama natin ay Siya ring Diyos na nagmamahal, nagliligtas, at nagbibigay ng tunay na kagalakan at kapayapaan. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 19; 1 Samuel 7:3–17
Evening: Jeremiah 51; 1 Peter 1:13–2:3

Thursday, August 20, 2026Luke 12:2-3 – ”Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Ka...
20/08/2026

Thursday, August 20, 2026

Luke 12:2-3 – ”Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kwarto ay malalaman ng lahat.”

Walang Maitatago

Walang bagay na tunay na maitatago habambuhay, sapagkat darating ang panahon na ang mga lihim ay mabubunyag at ang mga nakatago ay mahahayag. Kaya bilang mga tagasunod ni Cristo, hindi sapat na maging mabuti lamang sa paningin ng tao; ang higit na mahalaga ay maging tapat tayo sa harapan ng Diyos, lalo na kapag walang nakakakita. Puwedeng maitago natin sa iba ang tunay nating motibo, kasalanan, o mga ginagawa ng lihim, pero alam ng Diyos ang lahat. Ang katotohanang ito ay hindi lamang dapat magdulot ng takot kundi dapat magtulak sa atin sa katapatan, pagsisisi, at banal na pamumuhay.

Sabi Niya sa Proverbs 28:13 – ”Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Diyos.”

Mamuhay tayo nang may integridad, sapagkat ang Diyos na nakakakita sa lihim ay Siya ring Diyos na nagmamahal, nagpapatawad, at nagbabago sa atin. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 18; 1 Samuel 5-6
Evening: Jeremiah 50; 1 Peter 1:1–12

Tuesday, August 18, 2026Genesis 15:1 – Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangit...
18/08/2026

Tuesday, August 18, 2026

Genesis 15:1 – Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi Niya, “Abram, huwag kang matakot dahil Ako ang magiging kalasag mo at gagantimpalaan kita.”

Tapang at Kapayapaan

Sa gitna ng takot, pangamba, at mga bagay na hindi pa natin nakikita, pinaaalalahanan tayo ng Diyos na Siya mismo ang ating kalasag at gantimpala. Tulad ni Abraham, maaaring may mga panahong nag-aalala tayo tungkol sa kinabukasan at nagtatanong kung paano tutuparin ng Diyos ang mga pangako Niya. Pero ang presensya ng Diyos ay sapat upang bigyan tayo ng tapang at kapayapaan. Hindi nangangahulugang wala nang problema, kundi mayroon tayong Diyos na nag-iingat at hindi tayo kailanman iniiwan.

Sabi Niya sa Salmo 18:2 – ”Panginoon, Kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.”

Kaya sa halip na pangunahan ng takot ang ating puso, piliin nating magtiwala sa Diyos, dahil ang pinakamalaking pagpapala ay hindi lamang ang mga bagay na maaari Niyang ibigay, kundi ang Diyos mismo na kasama natin sa bawat hakbang ng buhay. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 16; 1 Samuel 3
Evening: Jeremiah 48; Mark 15

Monday, August 17, 2026Luke 24:38 – Sinabi Niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyon...
17/08/2026

Monday, August 17, 2026

Luke 24:38 – Sinabi Niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso?”

Pag-asa at Lakas

Merong isang taong may karamdaman na dinala kay Jesus at agad nilang hiniling ang Kanyang tulong. Ipinapakita nito na sa panahon ng ating kahinaan, sakit, at mga problemang hindi natin kayang lutasin, puwede tayong lumapit kay Cristo nang may pananampalataya. Hindi natin kailangang harapin ang ating mga pagsubok nang mag-isa, sapagkat si Jesus ay hindi lamang makapangyarihan kundi Siya rin ay mahabagin at handang tumulong sa mga lumalapit sa Kanya.

Ang pag-aalinlangan ay nag-uugat sa kawalan ng tiwala sa Kanyang kabutihan at katapatan, samantalang ang pananampalataya ay nagsasabing, “Hindi ko man nauunawaan ang lahat, alam kong mapagkakatiwalaan ko ang Diyos.” Sa bawat panalangin, isuko natin ang ating mga takot at pangamba, at magtiwala na ang Diyos ay may karunungan, kapangyarihan, at mabuting layunin para sa atin.

Sabi Niya sa Isaiah 41:10 – ”huwag kang matakot, sapagkat Ako'y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat Ako'y Diyos mo; Aking palalakasin ka, oo, ikaw ay Aking tutulungan; oo, ikaw ay Aking aalalayan ng kanang kamay ng Aking katuwiran.”

Kaya anuman ang bigat na dinadala natin ngayon, dalhin natin ito sa Panginoon sa panalangin, magtiwala sa Kanyang kapangyarihan at karunungan, at alalahaning ang Kanyang presensya ay sapat para bigyan tayo ng pag-asa at lakas sa gitna ng ating kahinaan. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 15; 1 Samuel 2:12–36
Evening: Jeremiah 46–47; Mark 14

Friday, August 14, 2026Matthew 12:36 – ”Tinitiyak Ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga wa...
13/08/2026

Friday, August 14, 2026

Matthew 12:36 – ”Tinitiyak Ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kwentang salitang binitiwan niya.”

Nakalista lahat

Sa araw ng paghuhukom, mananagot din tayo sa bawat walang kabuluhang salita na ating sinabi. Ipinapaalala sa atin ni Hesus na hindi maliit na bagay sa Diyos ang ating mga salita, dahil ang mga ito ay nagpapahayag kung ano talaga ang laman ng ating puso. Puwedeng nakakalimutan natin ang mga salitang nasabi natin, pero hindi ito nakakalimutan ng Diyos. Kaya bilang mga tagasunod ni Cristo, kailangan nating maging maingat sa ating pananalita—iwasan ang paninira, pagsisinungaling, panlalait, tsismis, at mga salitang nakakasakit, at sa halip ay gamitin ang ating bibig upang magbigay ng biyaya, katotohanan, pagpapala, at kalakasan sa iba.

Sabi Niya sa Ecclesiastes 12:14 – ”Sapagkat hahatulan tayo ng Diyos ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.”

Kaya bago tayo magsalita, magandang itanong: “Kung si Jesus ang nakatayo sa harapan ko, masasabi ko pa rin ba ang salitang ’to?” Nawa’y linisin ng Panginoon ang ating puso upang maging malinis din ang ating mga salita. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 12; Ruth 3
Evening: Jeremiah 40-41; Mark 11

Wednesday, August 08, 2026Matthew 11: 29 – “Sundin ninyo ang mga utos Ko at matuto kayo sa Akin, dahil mabait Ako at mab...
13/08/2026

Wednesday, August 08, 2026

Matthew 11: 29 – “Sundin ninyo ang mga utos Ko at matuto kayo sa Akin, dahil mabait Ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,”

Kailangang Harapin

Sa mundong puno ng pagod, pressure, at mga pasaning hindi natin kayang dalhin nang mag-isa, inaanyayahan tayo ni Jesus na lumapit sa Kanya at matuto sa Kanyang halimbawa ng kaamuan at pagpapakumbaba. Ang pamatok ni Cristo ay hindi nagpapabigat kundi nagtuturo sa atin na mamuhay sa ilalim ng Kanyang pamamahala at magtiwala sa Kanyang kalooban. Kapag isinusuko natin sa Kanya ang ating mga alalahanin, ambisyon, takot, at problema, nakasusumpong tayo ng tunay na kapahingahan—hindi dahil nawawala agad ang mga pagsubok, kundi dahil alam nating hindi na natin kailangang harapin ang mga ito nang nag-iisa.

Sabi Niya sa 1 John 2:6 – ”ang sinumang nagsasabing siya ay sa Diyos, dapat siyang mamuhay nang tulad ni Jesu-Cristo.”

Lumapit tayo kay Cristo, magpasakop sa Kanya, at matutong mamuhay nang may pagpapakumbaba; dahil sa Kanya lamang matatagpuan ang kapahingahan ng ating kaluluwa. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 11; Ruth 1-2
Evening: Jeremiah 39; Mark 10

Tuesday, August 11, 2026Job 13:15 – ”Bagaman ako'y patayin Niya, ako'y aasa pa rin sa Kanya,”Hindi Man MaintindihanMay m...
10/08/2026

Tuesday, August 11, 2026

Job 13:15 – ”Bagaman ako'y patayin Niya, ako'y aasa pa rin sa Kanya,”

Hindi Man Maintindihan

May mga pagkakataon sa buhay na hindi natin nauunawaan kung bakit hinahayaan ng Diyos ang mga pagsubok, sakit, pagkabigo, o pagkawala. Pero ipinapakita ni Job na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang pagtitiwala kapag maayos ang lahat, kundi patuloy na pagtitiwala kahit hindi natin makita ang dahilan ng Diyos. Puwede tayong masaktan, malito, at mangamba, pero hindi kailangang mawala ang ating pag-asa sa Panginoon. Ang Diyos ay karapat-dapat pagkatiwalaan hindi lang dahil sa Kanyang mga pagpapala, kundi dahil Siya mismo ay mabuti, tapat, at makapangyarihan.

Sabi Niya sa Psalm 23:4 – ”Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil Kayo ay aking kasama. Ang dala Nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang Inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.”

Kaya sa gitna ng anumang pagsubok, sabihin natin sa ating puso: “Panginoon, hindi ko man nauunawaan ang Iyong ginagawa, pipiliin ko pa ring magtiwala sa Iyo.” Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 9; Judges 21
Evening: Jeremiah 37; Mark 7:1–8:26

Friday, August 7, 2026Romans 12:19 – “Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat s...
07/08/2026

Friday, August 7, 2026

Romans 12:19 – “Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; Ako ang magpaparusa.”

Ipaubaya Mo sa Diyos

Kapag tayo ay nasaktan o nagawan ng mali, natural na hangarin nating gumanti o ipakita na tayo ang tama. Pero itinuturo ng Panginoong Hesus na ang paghihiganti ay hindi tungkulin ng Kristiyano kundi ng Diyos. Ang pagtitiwala sa Kanyang katarungan ay tanda ng tunay na pananampalataya at pagpapasakop sa Kanyang kalooban. Hindi ibig sabihin nito na binabalewala ng Diyos ang kasamaan; sa halip, ipinapaubaya natin sa Kanya ang tamang panahon at tamang paraan ng paghatol.

Sabi Niya sa Proverbs 20:22 – ”Huwag mong sabihing, “Ang masama'y aking gagantihan;” maghintay ka sa Panginoon, at ikaw ay Kanyang tutulungan.”

Sa halip na magkimkim ng galit at gumanti, piliin nating magpatawad, magmahal, at ipanalangin ang mga nakasakit sa atin, dahil sa paggawa nito ay naipapakita natin ang karakter ni Cristo at nararanasan ang kapayapaang tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 5; Judges 17
Evening: Jeremiah 33; Mark 2-3

Address

San Pedro City
Laguna
4023

Telephone

+639322427850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Neptune Bullies PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Neptune Bullies PH:

Shortcuts

Share

Category