06/03/2019
Kamusta mga ka-ngawngaw? Mahabang announcement.
May mga nagtatanong kung titigil na daw po ba tayo. Ang sagot po ay Oo at Hindi.
May isa po tayong salita at bilang suporta sa PVMA, lalo na kay Doc Cora, pabayaan po natin silang magtrabaho na walang pangungutya. Ito po ay hanggang February 2021. Tignan po natin kung anong mga pagbabago ang magagawa, gano man ito kaliit. At saka tayo magdesisyon ano ang ating gagawin.
Ayaw man aminin ng mga nakaraang PVMA officers, subalit simula ng kinalampag natin sila ay nagising sila sa mga malalaki nilang pagkukulang. Tignan na lamang natin ang improvement in terms of CPD points at system ng PVMA convention mula sa Baguio hanggang sa Iloilo. May pagbabago, marami pa ding kailangang baguhin (hustisya para sa piaya). Madami din ang nagpadala sa amin ng kanilang mensahe na iboboto nila ang aming mga inendorso. Patunay muli ang ating mga naipanalo.
Sa usapin ng mga quack. Nakakalungkot man na isa mismo sa officers ng PVMA ay FRONT ng isang hindi lisensyadong beterinaryo sa Libis. Doc na officer, kilala mo naman ang sarili mo. Konting hiya at respeto sa propesyon man lang sana. Palagi ninyo sinasabi sa PVMA na kaming mga ngawngaw ang mga walang respeto sa propesyon. Tingin tingin sa salamin. Sasabihin na naman ninyo, magkaso. Exactly 15 years ago pa ang Philippine Veterinary Medicine Act of 2004, Republic Act No. 9268. Tanong. Ilan na po ba ang nakasuhan at naparusahan? Malayo pa ang lalakbayin para masupil ang mga illegal practitioners at kailangan nito ay seryosong aksyon! Ang hiling namin ay may magawa naman ang PVMA para dito. Umpisahan sa bakuran.
Sa aming mga supporters, pasensya na kung hindi namin maipost ang inyong mga ngawngaw. Katulad ng aming nasabi sa itaas, wala po muna kaming ipopost MALIBAN KUNG may matindi po kayong ebidensya. Kung mga katulad po ito ng mga dati na nating naipost tulad ng mga pekeng vets sa vaccination card, turmeric as treatment, DLP, etc, ito po ay hindi na natin ipopost.
Kaya mga ka beterinaryo, tayo ay sabay sabay na ipanalangin ang ating propesyon at sana ay magabayan nang husto ang mga opisyales. Sa loob ng madaming taon, ngayon lamang ulit nagkaron ng laban sa election. Kung pinaglaban nila na sila ay manalo, sana naman ay magtrabaho sila ng ayos. Tama na ang mga gala at spay and neuter sa beach mga doc.
KILOS!!!
-PVNA admins, signing off until 2021 (maybe).