29/10/2026
CENTRAL OFFICE β Muling nagtipon ang mga dairy farmer, kooperatiba, pribadong sektor, at iba pang stakeholders sa ilalim ng βMooMents: Kwentuhang Dairy,β ang buwanang dayalogo ng National Dairy Authority (NDA) na nagsisilbing plataporma upang magbahagi ng mga update, talakayin ang mga usapin sa industriya, at pakinggan ang mga pangangailangan ng mga stakeholder.
Kabilang sa mga tinalakay ang paghahanda at pagsusulong ng Dairy Fair at National Dairy Summit, mga update sa mga nakabinbing aplikasyon para sa Certificate of Product Registration (CPR) at License to Operate (LTO), at ang kasalukuyang status ng mga imported dairy cattle.
Nagbahagi rin ang NDA ng mga update tungkol sa Milk Feeding Program (MFP), kabilang ang kasalukuyang implementasyon nito at ang panukalang badyet para sa susunod na taon.
Sa pamamagitan ng MooMents: Kwentuhang Dairy, patuloy na isinusulong ng NDA ang bukas na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder upang matugunan ang kanilang mga concern, maibahagi ang mahahalagang impormasyon, at higit pang mapahusay ang mga programa at serbisyong sumusuporta sa lokal na dairy industry.